32 sabungero sa Kalinga at Cagayan, nadakma

32 sabungero sa Kalinga at Cagayan, nadakma

August 3, 2022 @ 12:48 PM 5 days ago


TABUK CITY, KALINGA- Tatlumpu’t dalawang (32) sabungero sa Liwan East, Babalag, Rizal, Kalinga at ilang bayan sa Cagayan ang nadakma sa umano’y iligal na nag-ooperate ng tupada o cock fighting sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay PMaj. Jet Sayno, Team Leader ng Regional Special operations Group Cordillera (RSOG PRO CAR) na nadakip ang mga pinaghihinalaan kabilang ang 14 na katao sa Solana at Enrile, Cagayan habang 18 katao naman dito ang nagmula sa Babalag, Rizal, Kalinga.

Isinagawa ang operasyon ng operating units ng RSOG, RDEU, Regional Intelligence Division, Rizal Municipal Police Station, PIU-Kalinga PPO, 1503rd MC RMFB 15, 1st at 2nd Company PMFC Kalinga na nagresulta ng pagkakahuli ng mga nabanggit na katao.

Nakuha sa lugar ang bet money na mahigit P5,000 at ilang cockfighting paraphernalia.

Ang Babalag, Rizal ay kilala umanong talpakan o iligal na sabungan.

Nasamsam din ang anim na panabong na manok, isang patay na panabong na manok, isang brown box na may 6 na piraso ng tari at 4 na piraso ng cockbox.

Nagsagawa ang mga otoridad ng illegal gambling operation matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa operasyon ng sabungan nang walang Mayor’s permit.

Agad na sinampahan ng kaso ang 32 katao na may kinalaman sa illegal na talpakan. Rey Velasco