322 pang kasong COVID sa Pinoy abroad, naitala

322 pang kasong COVID sa Pinoy abroad, naitala

January 13, 2021 @ 7:37 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang karagdagang 322 bagong kumpirmado ng kaso ng COVID-19 cases sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Umabot naman na sa kabuuang 13,378 ang datos, batay sa DFA.

 “The reported spike is due to another surge in Covid-19 cases in one country in Europe,” saad ng ahensya.

Kasalukuyang ginagamot pa ang 3,858 pasyente habang nakarekober na ang 8,585 pa nang madagdagan ng 97 bagong gumaling.

Wala ring naitalang nasawi, base sa impormasyon.

“The DFA, together with its foreign service posts, remains fully committed to monitoring and assisting our nationals abroad amidst this ongoing battle against the COVID-19 pandemic,” lahad ng DFA. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...