32,246 pang bagong kaso ng COVID naitala; 5,063 gumaling, 144 patay

32,246 pang bagong kaso ng COVID naitala; 5,063 gumaling, 144 patay

January 12, 2022 @ 4:11 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Sumirit pa ang bilang ng naitalang bagong kaso ng coronavirus disease dulot ng Omicron variant sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH),  umabot sa 32,246 ang bagong kaso ngayong araw na may kabuuan nang 3,058,623 sa buong bansa.

Sa naturang bilang ng bagong kaso, 31,793 ang iniulat sa nakalipas na 14 araw mula December 30 hanggang Jan.12

Kabuuang 2, 797,816 naman na ang mga recoveries dahil sa karagdagang 5,063 ngayong araw na naitala.

Sa bilang ng nasawi, nasa 144 lamang ang nadagdag kaya  umakyat na ito sa kabuuang  52,654.

Habang ang aktibong kaso ay umabot na rin sa 208,164.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang pagbaba ng bilang ng kaso nitong Martes ay dahil sa mababang testing output na ginawa noong Linggo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)