32,744 pang bagong kaso ng COVID naitala; 156 patay, 16,385 nakarekober

32,744 pang bagong kaso ng COVID naitala; 156 patay, 16,385 nakarekober

January 21, 2022 @ 4:05 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Karagdagan pang 32,744 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.

Mayroon namang naitalang 16,385 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa nasabing bilang ng pumanaw, 66 lamang ang naganap ngayong Enero 2022.

Sa kabuuang  3,357,083 na bilang ng naitalang kaso sa bansa , ang aktibong kaso ay 291,618.

Nasa 3,012,156 naman ang gumaling at 53,309 ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 19, 2022 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong labs na ito ay humigit kumulang 0.8 porsyento sa lahat ng samples na naitest at 0.9 porsyento sa lahat ng positibong mga indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden