328 PDLs PINALAYA NI SOJ REMULLA

328 PDLs PINALAYA NI SOJ REMULLA

January 17, 2023 @ 1:20 PM 1 week ago


BAGO ipagdiwang ang Pasko, may 328 persons deprived of liberty ang lumaya sa mga kulungan base na rin sa hakbang ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying”. Remulla base naman sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nabatid na ang mga pinalaya ay ikaapat ng batch ng PDLs na pinalaya sa termino ni PBBM.

“Sila ay ang panibagong batch kabilang na ang qualified at over-aged PDLs na ating inasikaso ang paglabas simula nang maupo tayo sa Department of Justice,” pagmamalaking wika ng kalihim.

Personal na nakipagkumustahan at nakipag-usap si Remulla sa ilan sa PDLs na senior citizens na at ayon sa butihing Kalihim ay ramdam niya ang pananabik ng mga ito na makabalik sa pamilya at magkaroon muli ng normal na buhay.

Noong Setyembre 13, 2022, sa kaarawan ni PBBM, nasa 370 PDLs ang nakalaya, samantalang noong Oktubre 26, 2022 ay 357 PDLs naman at habang nasa 234 naman ang PDLs na pinalaya noong Nobyembre 24, 2022.

Ang mga pinalaya ay nagkaroon ng pagkakataon na muling makabalik sa kanilang pamilya at nabigyan ng pagkakataon na makahalubilo sa mga nasa lipunan at muling magbagong buhay.

Isa sa mga target ni Secretary Boying ngayong taon ang makapagpalaya pa ng 700 hanggang 800 PDLs sa bawat buwan.

“Panibagong pag-asa ang ating ibibigay sa kanila bukod pa sa maiibsan ang pagsisikip ng ating mga kulungan. Ito naman ang ating inilalaban para magkaroon ng maayos at makataong pamamalakad sa bawat piitan,” pahayag pa ni Remulla.

“Kapag naisakatuparan na natin ang pag-regionalize ng mga kulungan, mas mapapabilis at maisasaayos na natin ang pagpapalaya sa mga kababayan natin na nagnanais nang makapagbagong buhay,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si ang kalihim kina Public Attorney’s Office chief Persida Acosta, Bureau of Corrections acting director Ret. Gen. Gregorio Catapang, Undersecretary Deo Marco at Assistant Secretary Mico Clavano.

Nabanag sa mukha ng mga lumaya ang luha ng kasiyahan at matamis na ngiti ng pag-asa sapagkat ilang panahong nawalay sila sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay, ngayon ay muli na naman nilang makakasama at kapiling. .