32K pasahero dumating sa Pinas noong Christmas eve – BI

32K pasahero dumating sa Pinas noong Christmas eve – BI

December 26, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos 32,000 arrivals ang naproseso nitong Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo.

Inihayag ni BI Commissioner Norman Tansingco na naproseso ng immigration officers sa iba’t ibang international airports ang kabuuang 31,992 arrivals noong Dec. 24.

Karamihan sa international passengers ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan naitala sa Terminal 1 ang pagdating ng 10,047 pasahero.

Pumalo naman ang arrivals sa Terminals 2 at 3 sa  4,646 at 12,615 pasahero.

Samantala, naiulat ng BI ang pagproseso ng kabuuang 22,248 departures nitong Christmas Eve.

Tiniyak ni Tansingco sa publiko na bagama’t inaasahan ang  mga pila dahil sa pagsipa ng international travel, mabilis na napoproseso ang mga pasahero.

“All counters are fully manned, our egates are being utilized, and we have a special team of officers ready to augment manpower as needed,” aniya.

 “The implementation of the eTravel system also significantly decreases the paper requirements of arriving passengers,” dagdag niya.

Sinabi ni Tansingco na positibong sensyales na lumalago na ang turismo ang naobserbahan nilang pagdami ng mga bumibiyahe. RNT/SA