33 arestado sa NCR sa unang linggo ng election gun ban- NCRPO

33 arestado sa NCR sa unang linggo ng election gun ban- NCRPO

January 16, 2022 @ 2:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 33 indibidwal ang naaresto sa unang linggo ng implementasyon ng election gun ban sa Metro Manila, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo.

Inilahad ng NCRPO na na-rekober nito ang 20 firearms at 56 “other deadly weapons.”

“The data reveals flagrant disregard of existing policies since we have clearly cascaded the implementation of gun ban long before we launched this operations,” sabi niNCRPO Chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr.

“It is not yet too late for others to heed our call and refrain from committing violations of law especially as we approach the forthcoming national and local elections 2022,” dagdag pa niya.

Libo-libong checkpoints ang itinalaga sa buong bansa noong isang linggo alinsunod sa nationwide gun ban na iniatas ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng election period. RNT/SA