33 pagyanig naitala sa Pinatubo

33 pagyanig naitala sa Pinatubo

May 28, 2021 @ 1:37 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Nakapagtala ng 33 pagyanig ang Mt. Pinatubo sa nakalipas na magdamag, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nananatili naman ito sa Alert Level 1 kung saan nangangahulugang ito ay nasa ‘low-level unrest’.

Paglilinaw ng Phivolcs, wala namang namamataang pagsabog sa Pinatubo.

“Entry into the Pinatubo Crater area must be conducted with extreme caution and should be avoided if possible.” RNT/FGDC