33 patay, 23 ang nawawala sa lumubog na tourist boat sa Thailand

33 patay, 23 ang nawawala sa lumubog na tourist boat sa Thailand

July 7, 2018 @ 8:58 AM 4 years ago


Thailand – Pumalo na sa 33 ang patay sa lumubog na tourist boat sa Phuket, Thailand dahil sa sama ng panahon Huwebes ng gabi.

Nasa 105 ang sakay ng lumubog na bangkang may pangalang ‘Phoenix’ at karamihan ay Chinese nationals.

Ayon kay Phuket Provincial Governor Noraphat Plodthong, 23 katao ang patuloy na hinahanap habang 49 na ang nailigtas.

Sinabi ni Noraphat na ititigil pansamantala ang search and rescue operations hanggang ngayong umaga ng Sabado dahil sa lakas pa rin ng hangin at alon ng dagat na delikado para sa mga diver.

Nagpadala naman ang China ng ‘taskforce’ para tulungan ang Thailan sa insidente.

Ayon sa report ng mga awtoridad, aabot sa limang metro ang taas ng alon nang maglayag ang passenger boat dahilan para ito ay bumaligtad at lumubog. (Remate News Team)