332 bagong kaso ng COVID naitala

332 bagong kaso ng COVID naitala

January 11, 2023 @ 7:26 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 332 bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Enero 10.

Dahil dito ay bumaba pa sa 11,586 ang aktibong kaso ng sakit at nagpataas naman sa nationwide COVID-19 tally na 4,068,425.

Ito na ang ikatlong sunod na araw na mas mababa sa 500 ang naitatalang kaso ng sakit.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na kaso sa 2,092. Sinundan ito ng Calabarzon sa 1,035, Central Luzon sa 516, Cagayan Valley sa 318, at Western Visayas sa 312.

Samantala, umakyat naman sa 3,991,071 ang recovery tally sa 770 bagong gumaling.

Umakyat din sa 65,498 ang death tally sa naitala naman na 12 bagong nasawi dahil sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng DOH, 5,557 COVID beds ang okupado at 21,495 naman ang bakante, sa bed occupancy na 20.5% sa bansa hanggang nitong Linggo, Enero 8. RNT/JGC