333 distressed OFWs napauwi ng DFA sa Pinas

333 distressed OFWs napauwi ng DFA sa Pinas

May 27, 2022 @ 10:17 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes na mahigit 300 distressed overseas Filipinos ang dumating sa bansa mula sa Kuwait.

Dumating sa Pilipinas ang 333 Pinoy sa pamamagitan ng DFA-chartered flight.

Kasama sa flight ang apat na sanggol at dalawang medical repatriates, gayundin ang mga manggagawang biktima ng pisikal at sekswal na pang-aabuso.

Ito na ang ikalimang repatriation flight mula Kuwait.

“The Department continues its close coordination with its foreign service posts all over the world and stands ready to provide assistance to all our distressed kababayans wherever they may be,” sabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola. RNT