333,533 COVID cases naitala sa India sa 24 oras —gov’t

333,533 COVID cases naitala sa India sa 24 oras —gov’t

January 24, 2022 @ 10:24 AM 8 months ago


NEW DELHI — Iniulat ng India ang 333,533 bagong COVID-19 infections at 525 patay sa loob lamang ng 24 oras.

Ito na ang ikaapat na sunod na araw na lagpas sa 300,000 ang naitatalang kaso, ayon sa datos na inilabas ng gobyerno.

Habang ang death toll sa India ay umabot na sa 489,409, ayon sa health ministry/

Sa mga nakalipas na araw, nakapagtala India ng 337,704 bagong kaso kung saan 488 ang patay.

Simula ngayong taon ay kinumpirma ng bansa ang pagkalat ng Omicron variant.

Nagpatupad na ng iba’t ibang paghihigpit sa bansa tulad ng weekend curfew parikular sa Delhi. RNT