COMPREHENSIVE WATER SECURITY MASTER PLAN, PROYEKTO NG USAID-SURGE

COMPREHENSIVE WATER SECURITY MASTER PLAN, PROYEKTO NG USAID-SURGE

September 15, 2021 @ 8:15 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MAGSASAGAWA ng pagsusuri ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng tubig sa buong lalawigan bilang tugon sa proyektong Comprehensive Water Security Master Plan (CWSMP) ng USAID SURGE (Strengthening Urban Resilience for Growth with Equity).

 

Sa ilalim ng CWSMP, pag-aaralan ang mga pangunahing mapagkukunan ng tubig sa lungsod at sisiyasatin ang mga suliraning kinahaharap ng mga stakeholder dito.

 

Mula sa mga pagpupulong at pag-aaral, inaasahan ang pagbalangkas ng “Description of the Current Water Security Situation of Zamboanga City Report” na syang magiging gabay sa paggawa ng Water Security Master Plan ng Zamboanga City.

 

Isang malawakang pagtitipon ang gaganapin upang mabuo ang mga layunin, stratehiya, at PPAs (Programs, Projects, Activities) batay sa mga naitalang water risk gamit ang WEAP (Water Evaluation and Planning) system. Magkakaroon din ng mga pagsasanay hinggil sa water security, WEAP system, at capacity building.

 

Inaasahang maisasagawa ang Water Security Master Plan bago matapos ang buwan ng Setyembre ngayong taon.

 

-ooOoo-

 

HIGIT LIMANG MILYONG PILIPINO, NAGBUKAS NG LANDBANK ACCOUNT

MAGANDANG balita, umabot sa 5.3 million na Pilipino ang nagbukas ng transaction account sa Land Bank of the Philippines matapos na magsumite ng aplikasyon para sa National Identification System o National ID.

Ang pagkakaroon ng LBP account ay bahagi ng partnership nito sa P-S-A o ang Philippine Statistics Authority. Ibinibigay ito ng libre sa mga nagpapatala sa PSA kung saan maaari nila itong magamit sa pag-iipon, cash withdrawal, cashless transactions, shopping, paying bills online, at pagtanggap ng financial subsidies mula sa pamahalaan katulad ng ayuda.

Ang pagbibigay ng bank account sa maraming Pilipino ay bahagi ng financial mainstream ng Duterte administration at pagkakaroon ng “inclusive growth”

Sa kasalukuyan, nasa P31.8 million na ang umiikot na pera mula sa bagong accounts na ginamit sa iba’t ibang nabanggit na transaksyon.

Libre ang pagbubukas ng LBP account at hindi kinakailangan ng deposito para sa mga kumukuha ng national ID.


  •  
  •  
  •