34% ng Pinoy naniniwalang bumiti kalidad ng buhay-sarbey

34% ng Pinoy naniniwalang bumiti kalidad ng buhay-sarbey

January 26, 2023 @ 8:10 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nasa 34% ng Pilipino ang naniniwalang bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na isang taon, batay sa isainagawang sarbey ng Social Weather Station noong Disyembre 10 hanggang 14 ng 2022.

Sa kaparehas na sarbey, nasa 26% ng Pilipino naman ang nagsabi na lumalala ang kalidad ng kanilang buhay, habang 39% ay naniniwala na ang kanilang buhay ay nananatiling pareho.

Ang Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interview sa 1,200 na nasa hustong gulang (18 taong gulang pataas) sa buong bansa na may tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT