34 patay sa Thailand nursery attack; 23 biktima, mga bata

34 patay sa Thailand nursery attack; 23 biktima, mga bata

October 6, 2022 @ 4:48 PM 2 months ago


BANGKOK — Tatlumpu’t apat na indibidwal kabilang ang 23 bata ang patay matapos salakayin ng isang lalaking armado ng baril at panaksak ang isang nursery sa northeast Thailand bandang alas-12:30 ng hapon (0530 GMT), nitong Huwebes, ayon sa mga pulis.

Inihayag ni Police colonel Jakkapat Vijitraithaya mula sa Nong Bua Lam Phu province na mayroong 23 batang biktima ang attacker, na dating pulis.

Hindi rin nakaligtas ang pamilya ng killer matapos niyang paslangin din ang mga ito bago magpatiwakal.

“The death toll from the shooting incident… is at least 30 people,” sabi ni Anucha Burapachaisri, atagapagsalita para sa Thai prime minister’s office.

Kinilala ni Vijitraithaya ang gunman na si Panya Khamrab, dating police lieutenant colonel hna ansibak sa pwesto dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Ang mass killing ay kasunod lamang ng pamamaril ng army officer shot sa dalawang kasamahan sa military training base sa Bangkok.

Bagama’t mataas ang porsyento ng gun ownership sa Thailand, bihira ang kaso ng mass shootings. RNT/SA