340 PDLs pinalaya ng BuCor

340 PDLs pinalaya ng BuCor

January 23, 2023 @ 3:49 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 340 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa mga piitan at penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Lunes, Enero 23.

Batay sa datos ng BuCor, 128 sa mga ito ang pinalaya sa pamamagitan ng parole habang 165 naman ang nakapagsilbi na ng kanilang maximum sentence kasama ang good conduct and time allowance (GCTA).

Mayroon naman na 35 na natapos na ang kanilang sentensya kasama ang GCTA ay pinakawalan sa ilalim ng Department Order No. 953 na nagsasaad na ang pagpapalaya sa mga PDLs na nasentensyahan ng habambuhay na pagkakulong o high-risk inmates ay dapat aprubado ng Department of Justice.

Samantala, isang PDL naman ang na-acquit.

Sa nabanggit na bilang, 154 ang nagmula sa New Bilibid Prison, 31 mula sa Davao Prison and Penal Farm at 33 naman mula sa Correctional Institute for Women.

Isinagawa naman ang culminating program na dinaluhan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr.

Noong nakaraang taon, nasa 4,000 PDLs ang pinalaya ng DOJ. RNT/JGC