34,021 pang bagong kaso ng COVID naitala; 82 patay, 4,694 nakarekober

34,021 pang bagong kaso ng COVID naitala; 82 patay, 4,694 nakarekober

January 13, 2022 @ 4:03 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Lalo pang tumaas ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dulot na rin ng Omicron variant.

Ngayong hapon, Enero 13, pumalo sa 34,021 ang bagong kaso kung saan ang National Capital Region pa rin ang may pinakamaraming iniulat na kaso ng impeksyon.

Bunsod nito, mayroon nang kabuuang 3,092,409 na kaso ng coronavirus sa bansa.

Nakapagtala rin ng 4,694 na bagong recoveries dahilan para maging 2,802,286 na ang mga gumagaling.

Gayunman, mayroon pa rin naitalang namamatay sa sakit na umabot na sa 52,736 dahil sa karagdagang 82.

Ang aktibong kaso naman ay sumipa na rin sa 237,387 na karamihan ay mga mild at asymptomatic cases.

Ang NCR ay nanatiling nasa Alert Level 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden