344 distress OFWs sa Saudi napauwi ng DMW

344 distress OFWs sa Saudi napauwi ng DMW

August 29, 2022 @ 9:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kabuuang 344  “distressed” Overseas Filipino Workers (OFWs). ang napauwi mula  Saudi Arabia, ayon sa  Department of Migrant Workers (DMW) nitong Linggo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni  DMW Secretary Susan Ople na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinauwing mga OFW hapon ng Linggo sakay ng  PR8657.

Pinangasiwaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang repatriation at inayos ang domestic flights ng mga pabalik na Pilipino.

“The DMW, through OWWA, will be extending the needed assistance to all our repatriated kababayan, including medical help and transportation,” sabi ni Ople.

Sinabi pa ni Ople na kasama sa mga napauwing manggawa ang apat na OFWs na may kondisyon sa kalusugan at limang may nakakaranas ng mental illness.

“These OFWs have been provided with medical assistance. The OWWA is also helping one OFW from Iloilo who came home to attend to a tragedy within the family,” dagdag pa ng DMW chief.

Sinabi pa ng kalihim na ang iba pang mga OFW para sa quarantine ay i-accommodate sa isang hotel sa Quezon City at susuriin para sa COVID-19.

Dagdag pa niya, kapag na-clear na, ang mga OFW ay bibigyan ng transportation assistance ng OWWA para sila ay muling makasama ang kanilang mga pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden