348 repatriated OFW nakauwi na mula UAE

348 repatriated OFW nakauwi na mula UAE

July 12, 2021 @ 8:40 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakauwi na ang 348 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Dubai at Abu Dhabi mula sa United Arab Emirates (UAE).

Lumapag sila sa Ninoy Aquino International Airport ang mga pasahero lulan ng Philippine Airlines, base sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai.

Sinagot ng OWWA ang gastusin sa chartered flight habang nakikipag-ugnayan pa sa Philippine Consulate General sa Dubai.

Target ding mapauwi pa ang 2,000 OFW at kanilang pamilya para sa repatriation.

Ang unang tatlong batch ay pinangunahan ng Department of Foreign Affairs.

Nakatakda ang ilan pang repatriation sa July 12, 17, 27 at 30. RNT/FGDC