MANILA, Philippnes- Nasa 35 Navoteño na dating gumagamit ng iligal na droga ang nahaharap ngayon sa pagbabagong-buhay makaraang makapagtapos sa Bidahan, isang community-based treatment and rehabilitation program ng lungsod ng Navotas.
Nakapaloob sa Bidahan ang anim na buwan na Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at karagdagang anim na buwan para sa aftercare.

BINATI ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang aabot sa 35 Navoteño na dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na naka-graduate sa Bidahan, community-based treatment and rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Navotas. Jojo Rabulan
Ang mga kalahok ay dumadaan sa lingguhang psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions at life skills training habang sumasailalim din ang mga ito sa random drug testing upang matiyak na sumusunod sa nasabing programa.
Pinasalamatan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang lakas ng loob ng mga lumahok at tinanggap na naligaw ng landas at sa huli ay nagsipagbago.
“Bidahan is just the first step in the long road of healing and recovery,” ani Tiangco.
“The challenge now is keeping them drug-free. We are hopeful that with the care and support of their family and loved ones, they will be able to lead better lives as productive members of society,” dagdag ng alkalde
Nakapagtala ang Bidahan ng 721 graduates mula 2016-2019 kung saan 285 PWUDs ang nagtapos sa ilalim ng CBDRP noong 2017 at 82 ang nakatapos ng aftercare program mula 2018. R.A Marquez