35% ng kuryente sa Pinas, manggagaling sa renewable sources sa 2030 – ERC

35% ng kuryente sa Pinas, manggagaling sa renewable sources sa 2030 – ERC

March 16, 2023 @ 4:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magkaroon ng 35% ng kuryente sa Pilipinas na magmumula sa renewable sources pagsapit ng 2030.

“We already have a target for 2030, 2040 target. By 2030, 35 percent of our mix should already be coming from renewables; in 2040, 50 percent,” sinabi ni ERC chair Monalisa Dimalante sa isang press forum nitong Huwebes, Marso 16.

Upang maabot ang target, sinabi ni Dimalante na dapat pataasin ng ERC ang renewable portfolio standard (RPS) nito sa 2.52% mula sa dating isang porsyento.

Ayon sa Philippine Electricity Market Corp, ang RPS ay isang market-based policy na nagbibigay ng mandato sa electricity suppliers na kumuha ng bahagi ng suplay ng kuryente mula sa renewable energy resources upang makapag-ambag sa pagpapalago ng renewable industry sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Dimalante na wala pang target date ang bansa para sa full o 100% transition sa renewable energy.

Sa kasalukuyan, nananatiling ang coal ang pinagmumulan ng kuryente ng bansa, sinundan ng petrolyo at panghuli ang renewable energy. RNT/JGC