35 paaralan sa Luzon nasira sa lindol – DepEd

35 paaralan sa Luzon nasira sa lindol – DepEd

July 28, 2022 @ 9:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Napag-alaman sa initial rapid assessment ng Damage Assessment of Education na aabot sa 35 paaralan sa 15 school division offices sa Luzon ang nagtamo ng pinsala sa istraktura matapos ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra at mga karatig-lalawigan kahapon.

Nasa 11 paaralan sa Region III, 9 paralan sa Region II, 8 paaralan sa Cordillera Administrative Region at 7 paaralan Region I ang nagtamo ng pinsala.

Ayon pa sa report aabot sa P228.5 milyon ang magagamit para sa pagpapagawa sa mga napinsalang paaralan at maliban sa mga napinsala, sinabi ng DepEd na 8,027 mga paaralan na nakaranas ng instrumental intensity ang naapektuhan sa lindol.

Sa ngayon nakikipag ugnayan parin sila sa mga lokal na tanggapan para alamin ang bilang ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan na naapektuhan ng lindol. Maritess Pumaras