350 distressed Pinoy mula Saudi, napauwi na ng DFA

350 distressed Pinoy mula Saudi, napauwi na ng DFA

September 25, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Napauwi na ng Department of Foreign Affairs ang nasa 350 distressed Filipinos mula Saudi Arabia.

Ayon kay DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega, nitong Biyernes, Setyembre 23 ay lumapag na sa bansa ang mga ito.

Ilan sa mga napauwi ay mga senior citizen, buntis at mga bata.

“As the festive season draws near, your DFA will work tirelessly to bring back to our country our kababayans so that they may partake in the joy of being with their family,” ani De Vega sa isang pahayag.

“Seeing their smiles upon reaching our motherland is the inspiration that drives us to exert our utmost in serving our new heroes. Nandito kami para sa inyo,” dagdag pa niya. RNT/JGC