350 kilong basura nahakot sa cleanup drive sa Boracay

350 kilong basura nahakot sa cleanup drive sa Boracay

July 9, 2021 @ 11:15 AM 1 year ago


Manila, Philoppines – Tinatayang 350 kilong basura ang nahakot sa underwater cleanup drive na isinagawa sa Boracay Island sa Malay kamakailan.

Pinangunahan ito ng Philippine Coast Guard Station Aklan, Special Operation Unit Aklan at PCG Sub-Station Boracay bilang pagdiriwang sa 38th Founding Anniversary ng PCG Western Visayas.

Sinabing malaking tulong ito para mapanatili ang ganda ng karagatan at mapangalagaan ang marine biodiversity.

Base sa PCG, kahit may pandemya, hindi pa rin dapat napababayaan ang kalikasan at patuloy pa rin itong protektahan. RNT/FGDC