350 LGUs nakatanggap ng parangal sa DILG

350 LGUs nakatanggap ng parangal sa DILG

November 2, 2022 @ 6:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ng parangal na Seals of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang kabuuang 350 local government units sa bansa.

Sa Metro Manila, kabilang sa mga nabigyan ng naturang parangal ang mga lungsod ng Caloocan, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas at Quezon.

“We are humbled and honored by the DILG’s recognition. This would further inspire the city government to work even harder to further improve our governance and enhance the delivery of services to our constituents,” pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Martes, Nobyembre 2.

Dagdag dito, nagpasalamat din si Muntinlupa City Mayor Rozzano “Ruffy” Biazon sa natanggap na parangal sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“Ang SGLG ay iginagawad ng DILG sa mga LGU na nagpamalas ng kahusayan sa pamamahala. Ngayong taon, limang lungsod lamang sa [National Capital Region] ang nag-qualify sa award na ito. Talagang Nakakaproud!” aniya.

Samantala, ang Central Luzon ang nakatanggap ng pinakamaraming seal sa pagkakaroon ng dalawang probinsya, apat na lungsod at 48 munisipalidad na nakatanggap nito.

Batay sa Republic Act 11292 o ang “The Seal of Good Local Governance Act of 2019″, ang mga LGUs ay ginagawaran ng parangal sa kanilang pagiging tapat sa publiko lalo na sa pondo, kahandaan sa natural calamities at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. RNT/JGC