350 PDLs laya na

350 PDLs laya na

September 13, 2022 @ 3:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinagkalooban ng Department of Justice (DOJ) ng executive clemency ang 350 na mga persons deprived of liberty (PDLs).

Pinagkalooban din ng DOJ ang mga bagong layang bilanggo ng certificates of discharge, grooming kit, gratuity at maging ng transport allowance.

Sinabi ni Remulla na ang pagpapalaya sa mga bilanggo ngayong araw kasabay ng kaarawan ni Pangulo Bongbong Marcos bilang isang ‘act of grace’ ng gobyerno.

Napag-alaman naman na bukod sa araw na ito ay magpapalaya rin ng mga bilanggo ang DOJ sa Oktubre, Nobyembre at sa araw ng Pasko. Teresa Tavares