$350M military aid sa Ukraine ayuda ng US

$350M military aid sa Ukraine ayuda ng US

February 26, 2022 @ 4:30 PM 4 months ago


AMERIKA – Inanunsyo ni President Joe Biden ang pagbibigay ng Amerika ng $350 million military aid sa Ukraine.

Iniatas agad ito ni Biden sa US State Department nitong Biyernes kasabay ng lumalalang  Russian invasion.

Sa memorandum na inilabas para kay Secretary of State Antony Blinken, nakasaad dito na iniaatas ni Biden na ang pondo ay mapasailalim sa Foreign Assistance Act para sa depensa ng Ukraine. RNT