351 bagong aeronautical engineers!

351 bagong aeronautical engineers!

December 21, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maituturing nang Aeronautical engineers ang 351 na takers matapos pumasa sa katatapos lang na licensure exam ngayong Disyembre, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ang nasabing bilang ay 41.64-percent passing rate ng kung saan nasa 843 ang kabuuang examinees, ayon sa datos ng PRC.

Nanguna sa pagsusulit si Jewel Christian Palma Puse ng Philippine State College of Aeronautics-Pasay sa rating na 91.10 percent.

Si Allan Gabriel Reyes Hesita at Lyd Fedrix Inciso Tolentino, kapwa mula rin sa Philippine State College of Aeronautics-Pasay, ay pumangalawa at ikatlong puwesto na may 90.50 at 90.40 percent rating, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, 80 examinees ang pumasa sa Technical Evaluation for the Upgrading as Professional Electrical Engineers na ibinigay ng Board of Electrical Engineering.

Narito ang buong listahan ng mga nakapasa sa pagsusulit. RNT