355 illegal dumpsites kinandado ng DENR

355 illegal dumpsites kinandado ng DENR

July 15, 2021 @ 9:00 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 355 illegal dumpsites ang tuluyang pinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“335 po ang huling napasara. Twenty years na po ang batas na RA 9003, pero ngayon lang po natupad ang ipinag-uutos ng batas na ipasara ang open dumpsites,” ani DENR spokesperson Undersecretary Benny Antiporda sa ulat niya sa Laging Handa briefing.

Ani Antiporda sa ilalim kasi ng he Ecological Solid Waste Management Act of 2000 inaatasan nito na ipasara ang lahat ng open dumpsites sa Pilipinas na matagumpay namang nagawa ng DENR.

Sa ngayon, ani Antiporda nakapokus na ang DENR sa rehabilitasyon ng mga dumpsite.

Sa kabilang banda, inabisuhan niya rin ang local governments units (LGUs) na naapektuhan ng pagpapasara sa mga dumpsite na magtayo ng residual containment area para sa kanilang mga basura habang ginagawa nila ang sanitary landfill.

Kasabay din naman ito ng bant ani Antiporda sa LGU na nagbabaon sa lupa ng kanilang mga basura dahil maikokonsidera pa rin itong open dumpsite na napakadelikado.

“Better shape up bago tayo abutan ng batas.” RNT