356 pang bagong kaso ng COVID naitala; 135 patay, 878 nakarekober

356 pang bagong kaso ng COVID naitala; 135 patay, 878 nakarekober

December 11, 2021 @ 4:08 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Naitala ang 356 pang bagong kaso ng coronavirus disease ang naitala ngayong Sabado, Disyembre 11.

Nadagdagan din ng 135 ang namatay habang 878 ang bagong gumaling.

Sanhi ng mga karagdagang bilang na ito, umabot na sa  2,836,360 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pumalo na rin sa 2,774,891 ang gumagaling at 50,096 ang namamatay dahil sa nakamamatay na sakit.

Ang 11,373 na aktibong mga kaso ay patuloy namang ginagamot sa mga COVID-19 facilities.

Bagamat patuloy na bumababa ang kaso sa bansa, hindi naman tumutigil ang DOH sa pagpapaalala na huwa magpakampante at dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)