356 pang bagong kaso ng COVID naitala; 92 patay, 871 gumaling

356 pang bagong kaso ng COVID naitala; 92 patay, 871 gumaling

December 7, 2021 @ 4:08 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa nagdaang ilang buwan,  ang naitalang kaso ngayong araw, Disyembre 8 ang pinakamababa nang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease  sa bansa.

Ngayong araw, mayroon lamang  356 na bagong kaso na pinakamababa na simula nang mnakapagtala ng 294 noong July 2020.

Mayroon namang 871 lamang na  gumaling at 92 na pumanaw na bahagyang bumaba kumapara sa nagdaang m,ga araw..

Dahil sa karagdagang mga datos, umabot na sa 2,835,345 ang kaso ng COVID-19 at 2,772,728 naman ang kabuuang gumaling.

Umabot na rin sa kabuuang 49,591 ang namamatay sa naturang sakit.

Ayon sa DOH, sa 92 na iniulat na namatay, tatlo lamang ang nangyari ngayong Disyembre 2021.

Ang 18% iniulat na namatay  ay nangyari noong Nobyembre  2021 dahil sa late encoding  ng death information sa COVIDKaya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)