3,561 dagdag-kaso, 28 pa patay sa COVID-19

3,561 dagdag-kaso, 28 pa patay sa COVID-19

August 6, 2020 @ 4:35 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng 3,561 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahilan para umakyat na sa kabuuang 119,460 ang kaso.

Sa iniulat na karagdang mga kaso ngayong Agosto 6,  2,740 o 77% rito ang nangyari sa loob ng 14-days mula Hulyo 24 hanggang Agosto 6.

Ang top regions na may mataas na kaso nitong nagdaang mga araw  ay ang NCR na may 1,480 o 54 %; Region 4A, 435 o 16%; Region 7 ,218 o 8%.

Inanunsyo rin ng DOH ang 569 recoveries kung saan umabot na sa 66,837.

Nasa 50,473 naman ang aktibong mga kaso.

28 naman ang nasawi pa sa virus dahilan para umakyat na sa 2,150 ang total COVID-19 related deaths.

Sa nasabing karagdagang 28 deaths, 10 o 36% ang nangyari noong Agosto; 16 o 57% noong Hulyo; 1 o 4% noong Hunyo at 1 o 4% noong Mayo.

Mula naman sa NCR ang 11 o 39% deaths, Region 7 na may 9 o 32% ; Region 11,2 o 7%; Region 9, 2o 7 %; Region 4A, 1 o 4%; Region 6, 1o 4%; Region 10, 1 o 4% at isa o 4% mula sa hindi natukoy na rehiyon.

Ang resulta ay mula sa 89 sa 98 licensed laboratories sa bansa.

Mayroon naman 81 duplicates na kailangang alisin sa total case counts.

Sa bilang na ito, dalawang recovered cases ang inalis bukod pa sa isang kaso na naiulat na namatay na na-validate na nakarekober at naipabilang na sa mga gumaling sa sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...