3,574 pang bagong kaso ng COVID; 14,644 gumaling, 83 patay

3,574 pang bagong kaso ng COVID; 14,644 gumaling, 83 patay

February 8, 2022 @ 4:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Malaki ang ibinaba ngayon ng bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa base sa pinakahuling datos na inilabas ngayong Martes, Pebreo 8 ng Department of Health (DOH).

Ang bagong kaso lamang na naitala ngayong  Feb.8 ay nasa 3,574 na lamang.

Nakapagtala rin ng 14,644 na bagong gumaling habang  83 naman ang namatay sa COVID-19.

Bunsod ng karagdagang bilang na ito, mayroon nang kabuuang 3,619,633 na COVID-19 case o mga nagpopostibo sa virus.

Sa kabila nito, kabuuang 3,459,462 naman ang gumagaling na sa sakit at 54,621 ang binawian na ng buhay.

Patuloy namang nababawasan ang mga aktibong kaso dahil mayroon na lamang  105,550 ngayong araw.

Binanggit ng DOH na ang mababang iniulat na biulang at positivity rate ngayoing araw ay dahil ito ay laboratory outputs noong Linggo na karaniwang may mababang outputs sa loob ng buong linggo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)