June 25, 2018 @ 9:35 PM 4 years ago


 

IBAAN AT NAGKALAT NA VICES

BALIKAN natin ang lalawigan ng Batangas at muli nating si­lipin ang Pangao Mini Cockpit ni Venido sa bayan ng Ibaan na simula sa araw ng Linggo hanggang Biyernes ang opera­syon at tanging Sabado lang ang pahinga.

Ang matindi  sa Mini Cockpit na ito, eh, habang may nagpapasabong ay patuloy naman ang pasaklaan ni Ronald alias Balay na may balita pa tayo (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) na talamak na bentahan ng tobats kaya raw dinarayo ang nasabing sabungan.

Totoo man o hindi ang balita, dapat na maging alerto hindi lamang ang kapulisan kundi maging ang tanggapan ni Ibaan Mayor Danny Toreja sa mga nangyayari sa bayan niya na pinamumugaran ng mga kailigalan.

Mantakin ninyo, ang bayan ng Ibaan na dating napakaganda sa lalawigan ng Batangas ay nagmistulang “red town” simula nang magsipasukan hindi lamang ang mga iligalista kundi maging ang mga high-value target sa droga.

Isang halimbawa rito ang nabuwag na isang shabu laboratory matapos na ipag-utos ni dating Region-4A Regional Di-rector Gen. Guillermo Eleazar ang pagreyd sa nasabing laboratory.

Bukod sa iligal na droga, lantaran din ang bookies ng STL at jueteng ni alyas Acebo pero nakapagtatakang hindi magalaw-galaw ng kapulisan.

Hindi kaya may parating kay Batangas PD Supt. Edwin Quilates?

ANAK NG SPORTS EDITOR NG REMATE

PASADO SA NURSING EXAMINATION

Opsss, mga suki, batiin naman natin itong anak ng ating kasamahan na Sports Editor na si Bocaue, Bulacan Kagawad Rico Navarro.

Kapapasa lang si Rica L. Navarro sa pagsusulit sa nurses na isinagawa nitong June 2018.

Sa iyo, Rica, congrats. Nawa’y magtuloy-tuloy ang iyong tagumpay. Ikinararangal ka ng iyong papa at mama. Mabuhay ka, iha.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266­719269 o i-email sa [email protected].