35K katao apektado ng baha sa Gingoog, MisOr

35K katao apektado ng baha sa Gingoog, MisOr

December 27, 2022 @ 4:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 35,000 katao ang apektado ng matinding baha dulot ng malakas na ulan sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Ito ang ibinahagi ni Gingoog City Mayor Erick Canosa nitong Martes, Disyembre 27.

“As of this moment po, meron tayong enough na supply ng mga pagkain but titingnan po natin in the next coming days kasi hanggang ngayon hindi pa huminto ang ulan,” ani Canosa sa panayam ng ANC.

Nauna nang isinailalim sa state of calamity ang naturang lungsod at maging ang kabuuang probinsya ng Misamis Oriental dahil sa matinding epekto ng baha at malakas na ulan na nagsimula bisperas ng Pasko.

Sa huling ulat ng Office of Civil Defense Martes ng umaga, umakyat na sa 13 ang nasawi sa buong bansa dahil dito. RNT/JGC