35K manggagawa apektado sa ‘closed fishing season’

35K manggagawa apektado sa ‘closed fishing season’

November 18, 2022 @ 7:13 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng ‘closed fishing season’ maapektuhan ang kabuhayan ng hindi bababa sa 35,000 manggagawa sa papasok ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes, Nobyembe 17.

Sinabi ni DOLE – Zamboanga Peninsula director Roy Buenafe sa isang televised public briefing na ang closed fishing season at magsisimula sa Disyembre 2022 at matapos sa Perbrero 2023.

Kasama aniya sa maapektuhan ang canning at fishing sa nabanggit na mga panahon.

Dagdag pa ni Buenafe, maaapektuhan din ang mga manggagawa sa kaalyadong industriya at impormal na sektor.

Upang maibsan ang impact ng pagsasara ng fishing season sa mga manggagawa, sinabi ng DOLE na mag-aalok sa pamamagitan ng emergency employment sa ilalim ng Project HOPE o Helping Others Prosper Economically.

Dagdag pa ni Buenafe, inaprubahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang P10 milyon para sa emergency employment ng concerned workers sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.

Ang mga benepisyaryo ay maaaring tumanggap ng suweldo para sa isang buwan sa panahon ng saradong panahon ng pangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden