35th year ni Ogie, iseselebra!

35th year ni Ogie, iseselebra!

October 25, 2022 @ 2:50 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na raw ang musical play in celebration of Ogie Alcasid’s 35th year in showbiz next year.

Ito ang tiniyak ng singer-songwriter.

Double treat na rin ‘yon as he will share the stage with his wife Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Pagbabalita ni Ogie, may mga kanta na raw siyang ginawa.

May kuwento na rin daw na nakapaloob sa musical play at may flow na.

“Script na lang ang kulang and it’s way to go,” aniya.

Kay Mr. Johnny Manahan daw ang brainchild na ito which they were supposed to pursue, dangan nga lang at nanalasa ang pandemya.

Samantala, the Alcasid couple scored success via their recent Shine concert sa Ormoc City, Leyte.

Maging si Ogie was himself impressed sa opening number nila ni Regine.

Kinanta ni Ogie ang Nandito Ako habang sa rooftop naman bumirit si Regine ng Narito Ako.

Even Ormoc Representative Richard Gomez couldn’t help but applaud the number na ang bahagi raw niyon ay ideya mismo ng misis niyang si Ormoc City Mayor Lucy Torres.

Panalo rin ang banter nina Ogie at Regine lalo na when the former made reference to Ormoc at binigyan niya ito ng kahulugan as though it was an acronym.

Ani Ogie, ang Ormoc daw sa kanya means Only Regine Makes Ogie Complete.

O, ‘di ba, winner?! Ronnie Carrasco III