36 Delta variant case nasa CALABARZON

36 Delta variant case nasa CALABARZON

July 30, 2021 @ 3:33 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Mayroon nang kabuuang 36  Delta variant sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), ayon sa Department of Health.

Kabilang sa mga probinsiya na may naiulat na mga kaso ay ang Cavite (9), partikular sa Imus, Cavite City, General Trias, Silang at  Carmona; Laguna (17 kaso), particular sa bayan ng Bae, Los Baños, San Pedro, San Pablo at Calamba City; Batangas (6), kabilang ang bayan ng Bauan, Lemery, San Juan at Lipa City; Rizal (4),sa bayan ng Cainta at  Rodriguez.

Wala namang naiulat na anumang kaso sa probinsiya ng Quezon Quezon.

Mula sa 36 Delta variant cases,  3 dito ay active cases, 21 recoveries.  11 para beripikasyon at 1 na may pending test result.

Agad namang nagpadala ng mga epidemiology at  health emergency teams sa mga apektadong komunidad para nagsagawa ng swab testing si Regional Director Eduardo C. Janairo .

“We need to immediately identify the causes of the virus, how it originates and how it was transmitted in order to stop its spread in the communities,” ayon kay Janairo.

“Samples taken from the contacts of the positive cases were already sent to the Philippine Genome Center for validation. What is important right now is for everyone not to panic and continue to follow community health protocols and most important is to get vaccinated against the Covid virus.”

Giit ni Janairo, kahit anong brand ang mayroon sa ating lokal na  pamahalaan, ay dapat magpabakuna  upang magkaroon ng dagdag  proteksyon upang hindi makaranas mg severe infection sakaling tamaan pa rin ng COVID-19. 

Nagpaalala naman si Janairo sa publiko na doblehin pa ang pag-iingat lalo sa paglabas ng tahanan upang maging ligtas kasama ang mahal sa buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden