36 tiklo sa Laguna buy-bust!

36 tiklo sa Laguna buy-bust!

May 21, 2022 @ 11:10 AM 1 month ago


LAGUNA – Arestado ang 36 na indibidwal sa magkakahiwalay na provincial anti-illegal drugs operations sa Laguna nitong Huwebes.

Sa Barangay Lecheria, Calamba City, huli sa buy-bust ang high-value target na si alyas “Marlon,” 49-anyos kung saan nasabat sa kanya ang anim na pakete ng shabu,  isang calibre .38 na baril, at mga bala.

Kasama niyang kinasuhan ng paglabas ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang 35 iba pa na nadakip din sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Santa Rosa, Nagcarlan, Binan, Pangil, Paete, San Pablo, Cavinti at Alaminos.

Aabot naman sa P135,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa mga nasabing operasyon. RNT/ JCM