36 volcanic quake naitala sa Taal Volcano – PHIVOLCS

36 volcanic quake naitala sa Taal Volcano – PHIVOLCS

April 2, 2022 @ 3:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng 36 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras sa  Taal Volcano sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, mayroong pagtaas ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake, na dahilan ng pag-usok nito na abot hanggang 900 metro.

Dagdag pa nito, nananatili sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang bulkan.

“This means that there is a magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions,” ayon sa PHIVOLCS.

“All activities on Taal Lake should not be allowed at this time,” giit pa nito. RNT/SA