3,617 pang bagong kaso ng COVID naitala; 468 gumaling, 43 patay

3,617 pang bagong kaso ng COVID naitala; 468 gumaling, 43 patay

January 1, 2022 @ 4:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naitala ang 3,617 pang bagong kaso ng COVID ngayong Enero 1, 2022, batay sa Department of Health.

Naidagdag din dito ang 468 na gumaling at 43 binawian ng buhay.

Patuloy namang binabantayan ang 17,734 aktibong kaso ng COVID sa Pinas.

Samantala, pumalo na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID sa 2,847,486.

Habang ang bilang ng nasawi ay nasa 51,545 at 2,778,567 na gumaling,

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong December 30, 2021 habang mayroong anim na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Nagpaalala naman ang DOH na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards gayundin ang laging pagsusuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.  RNT/FGDC/Jocelyn Tabangcura