370 arestado sa Halalan 2022 gun ban — PNP

370 arestado sa Halalan 2022 gun ban — PNP

January 25, 2022 @ 1:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang 370 kataong lumabag sa gun ban kaugnay sa paparating na eleksyon.

Sa datos ng PNP data, ang 27 bagong lumabag ay pawang sibilyan.

Nasabat dito ang 16 firearms; 40 ammunition; at10 deadly weapons.

Naaresto naman ang mga ito sa Quezon, Rizal, Zamboanga del Sur, Leyte, Cebu City, Iloilo, Negros Occidental, Bataan, Cagayan, Sultan Kudarat, Ilocos Sur, Pangasinan, Parañaque, Valenzuela, Malabon, Pasig, Navotas, Manila, at Quezon City.

Samantala, may kabuuang  42,927 checkpoint operations na ang naisagawa mula noong Enero 9. RNT/FGDC