370 pang bagong kaso ng COVID naitala; 171 patay, 859 nakarekober

370 pang bagong kaso ng COVID naitala; 171 patay, 859 nakarekober

December 8, 2021 @ 4:05 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Naitala lamang ang 171 naCOVID-19 deaths sa bansa ngayong Disyembre 8.

Batay sa inilabas ngayong hapon na  COVID-19 case update, ang bagong kaso na nadagdag ay umabot sa 370 habang 859 ang gumaling.

Dahil sa mga karagdagang ito, nasa 49,761 na ang namamatay sa virus habang pumalo na sa 2,835,593 ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 .

Gayunman, sumampa na rin sa 2,773,322 ang gumagaling sa sakit na may  12,510 na aktibong mga kaso pa rin.

Ilang araw bago ang Kapaskuhan at  Bagong Taon, ang DOH ay paulit-ulit na nagpapaalala na ipagdiwang ang holiday season ng may pag-iingat at sumunod sa mga umiiral na patakaran at panuntunan upang maiwasan ang posibleng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)