37,070 pang bagong kaso ng COVID naitala; 23 patay, 33,940 nakarekober

37,070 pang bagong kaso ng COVID naitala; 23 patay, 33,940 nakarekober

January 17, 2022 @ 4:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng 37,070 bagong kaso ng coronavirus disease ngayong Lunes, batay sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH).

Sa bilang na ito, 36,001 ang naganap sa nakalipas na 14 araw.

Tumaas naman ang naitalang bagong gumaling na umabot sa 33,940 at 23 lamang na pumanaw.

Nasa 2,90,938 naman ang aktibong kaso mula sa  kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na sumampa na sa 3,242, 374

Nasa 2,898,507  na rin ang kabuuang  gumaling, at 1.63 porsyento (52,929) ang namatay.

Muli namang nagpaalala ang DOH na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

a oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpatest.

Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden