January 24, 2022 @ 2:01 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagtapos si Yuka Saso na pag-6th place sa kanyang unang torneo sa ilalim ng bandila ng Japan sa katatapos na 2022 Hilton Grand Vacations Tournament of Champions sa  Lake Nona Golf & Country Club sa Orlando, Florida.

Pumoste si Saso ng 73 butas noong Linggo para sa  9-under total ng 279, pampito sa likod ni eventual winner Danielle Kang (16-under 272). Nakapag-uwi siya ng kabuuang  $65,497.00 bilang prize money.

“I would say it was really good. There was some room for improvement, and, yeah, overall it was very good, so I won’t complain,” saad ng 20-anyos na si Saso matapos ang event.

Kauna-unahan itong pagkatawan ni  Saso sa bansang Japan sa isang official event makaraang kumpirmahin noong nakaraang taon na mas pinili niya ang Japanese citizenship.

Isinilang si Saso sa  San Ildefonso, Bulacan sa isang Pinay na ina at Hapones na ama. Sa ilalim ng  Japanese law, iyong may dual citizenship ay dapat pumili ng isa lamang pagsapit ng edad 22.

Kaya naman inanunsiyo niya noong Nobyembre na pinili na niyang maging Japanese citizen, ang pagbabago na napansin sa kanyang 2022 LPGA season.

Nang tanungin hinggil sa kanyang desisyon, aniya, “Well, obviously for me it doesn’t really matter. I’m very proud of my dual citizenship. Whatever I represent, I’m Filipino.”

Bago niya pinili ang Japanese citizenship, kinatawan ni Saso ang Pilipinas bilang amateur at professional.  Napagwagian niya ang team at individual gold para sa Pilipinas noong 2018 Asian Games, maging ang 2021 U.S. Women’s Open.

“So, it’s just for (the) passport more, because if I have (a) Japanese passport then I can travel mostly everywhere with no visa,” paliwanag pa ni Saso. “That will be very helpful for my game, for my career.JC