37,154 pang bagong kaso ng COVID naitala; 50 patay, 30,037 nakarekober

37,154 pang bagong kaso ng COVID naitala; 50 patay, 30,037 nakarekober

January 16, 2022 @ 4:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nadagdagan ng 37,154 pang bagong kaso ang numero ng tinatamaan ng impeksyon dulot ng coronavirus na pinalala pa ng Omicron variant sa bansa.

Mayroon ding 30,037 na gumaling  at 50 na pumanaw.

Ang 30 mula sa bilang ng iniulat na namatay ay nangyari  ngayong Enero 2022 habang ang iba ay naitala pa noong nakalipas na buwan ng 2021.

Sa kasalukuyan, mula sa kabuuang bilang ng naitalang kaso sa bansa na umabot na sa 3,205, 396, ang aktibong kaso ay umabot na sa 287,856.

Umabot naman sa 2,864,633 ang gumaling at 52,907 ang namatay.

Sa  37,154 iniulat na kaso ngayong araw nasa  36,303 (98% porsyento) ang naitala sa nakalipas na 14 araw mula Enero 3 hanggang Enero 16, 2022.

Ang top regions na may mataas na kaso sa nagdaang dalawang linggo ay ang  NCR (15,591 o 43 porsyento), Region 4-A (8,384 o 23 porsyento) at Region 3 (3,232 o 9 porsyento). Jocelyn Tabangcura-Domenden