37,207 pang bagong kaso ng COVID naitala; 81 patay, 9,027 nakarekober

37,207 pang bagong kaso ng COVID naitala; 81 patay, 9,027 nakarekober

January 14, 2022 @ 4:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Dumarami na rin ang aktibong kaso ng coronavirus disease sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ngayong araw, umabot na ang aktibong kaso sa 265,509 na ang karamihan ay mga mild cases at asymptomatic.

Bukod dito, 37,207 pa na bagong kaso naman ng impeksyon ang nailata  ng Department of  Health (DOH) na panibagong record high at may kabuuang 3,129,512.

Bahagyang tumaas din ang new recoveries na umabot sa 9,027 habang 81 naman ang pumanaw.

Sa bilang ng iniulat na pumanaw, 21 lamang ang naitala ngayong buwan ng Enero 2022 habang ang iba ay nangyari pa sa nakalipas na mga buwan ng 2021.

Sa kasalukuyan umakyat na sa 2,811,188 ang gumaling na sa virus habang pumalo na sa 52,815 ang namamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden