375 wanted person kulong sa PRO-6 noong Enero

375 wanted person kulong sa PRO-6 noong Enero

February 4, 2022 @ 1:28 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang Police Regional Office-Western Visayas (PRO-6) sa pagkaaresto ng 375 wanted person sa unang buwan ng taon.

Sinabi ni Carlos na kasama rito ang 70 suspek na tinaguriang most wanted persons (MWPs) at 305 other wanted persons (OWPs).

Batay sa report ng PRO-6, pinakamarami ang naaresto saNegros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) na may 29; sinundan ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), 16; Bacolod City Police Office (BCPO), 13; Iloilo City Police Office (ICPO), anim; Capiz Police Provincial Office, apat; at tag-isa sa Antique Police Provincial Office (AntPPO) at Criminal Investigation and Detection Group- Regional Field Unit 6. RNT/FGDC