37,800 pang Sputnik V dumating na sa Pinas

37,800 pang Sputnik V dumating na sa Pinas

July 11, 2021 @ 8:57 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 37,800 dose ng Sputnik V vaccine mula sa Russia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Sabado ng gabi.

Sinabing lulan ito ng Korean Air flight (KE623) na lumapag sa NAIA Terminal 1 bandang 9:42 p.m.

Maaalalang noong Biyernes, naunang natanggap ng bansa ang 132,200 dose ng Sputnik V.

Samantala, mayroong kabuuang 1,467,119 COVID-19 case ang Pilipinas kung saan 1,391,335 na ang nakarekober at 25,816 na ang nasawi. RNT/FGDC