379 pang bagong kaso ng COVID naitala; 25 patay, 631 nakarekober

379 pang bagong kaso ng COVID naitala; 25 patay, 631 nakarekober

December 10, 2021 @ 4:00 PM 10 months ago


Sa muling pagkakataon ay muling nakapagtala ng mababang  bilang ng bagong deaths ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH),  umabot lamang sa 25 ang bagong deaths ngayong araw sanhi upan maging  49,961 na ang namamatay.

Sa nasabing bilang, 5 lamang ang nangyari ngayong buwan ng Disyembre.

Anim noong Nobyembre, habang 7  naman noong Oktubre,  5 nitong Setyembre, at tig-isa noong Agosto at Hulyo.

Bumaba rin ang bagong kaso o mga nagpopositibo sa COVID-19 kung saan umabot lamang sa 379.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 2,836,200 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa bansa.

Nasa 631 naman ang nadagdag sa mga recoveries na umabot na rin sa kabuuang  2,774,334.

Sa aktibong kaso, mayroon na lamang 11,905 na karamihan rito ay mild cases na nasa halos limang libo. Jocelyn Tabangcura-Domenden